Wednesday, October 30, 2002

Sana lahat na lang ng bagay simple lang. Sana pwedeng mangyari na pag sinabi ng mind mo na eto ang dapat mong gawin, wala ng tanung-tanong, susundin na agad ng sarili mo. Kaso kadalasan, hindi naman ganon ang nangyayari. Andiyan yung heart mo para salungatin yung sinasabi ng mind mo. Kaya eto, hindi mo naman malaman kung anong susundin mo sa dalawa. Gustuhin mo mang gawin na yung nararapat, hindi mo magawa sa kadahilanang alam mong hindi ka masisiyahan kapag ginawa mo yun.

Siguro sa isang banda'y umaasa ako. Umaasa na maaayos ang kung anumang gusot na meron sa 'ming dalawa. Umaaasa na may magandang pwedeng mangyari sa kabila ng mga nasabi niya. Pero hindi ko rin maikakaila na natatakot din ako. Paano kung maling umasa pa ko? Pano kung maling agad naman akong sumuko?

Iisipin mong may ilang taon na 'kami' na sa tono ng pananalita ko na hindi naman (at maaaring hindi talaga mangyayari). Hindi naman sa 'nahulog' na nga ako. Hindi pa... buti na lang. Ang kaso kasi'y inisip ko na baka sya na. Kumbaga andiyan ang posibilidad. Ngunit dahil na nga rin sa sitwasyon nya, hindi na matatahak pa ang posibilidad na iyon. Nakakapanghinayang lang. Lost opportunity 'ika nga.

Sinabi ko sa kanya na ok lang kung sakaling isang araw ay bigla na lang kaming hindi na mag-usap. Sabi ko lang yun. Syempre kailangan mag-'put up a brave front'. Sabagay, maiintindihan ko naman talaga sya kung mangyari nga yun, pero hindi ibig sabihin na hindi ako malulungkot.

Sinabi ko rin kay Jun na ok lang ako. Akala ko kasi oo. Akala ko na-reason out na ng mind ko sa emotions ko yung mga bagay-bagay. Hindi pa rin pala. Pati si Brian, in-assure ko na ok lang ako. Hindi ko rin sila masisisi. Syempre kaibigan ko sila, worried lang sila sa akin. Lalong hindi ko masisi si Brian na mag-alala dahil alam nya kung gano ako ka-vulnerable gayong madalas akong nagtatapang-tapangan.

Pagod na rin akong nagsasabi ng mga bagay na hindi naman talaga yung nararamdaman ko para lang hindi na sila mag-alala. Sawa na din akong kung anu-anong argumento ang iniisip.


0 comments: