Tuesday, June 24, 2003

Did anyone see Donita's wedding special last Sunday night? I was so moved to tears. Parang their story came straight from Joshua Harris' book (Boy Meets Girl). Isipin mo hanggang holding hands at kiss sa cheeks lang sila nung magboyfriend at girlfriend pa lang sila. Katakut-takot na self-control at self-discipline kaya yun. Pero gaya nga ng sabi ni Joshua (close e no?) mas maganda nga daw na you keep yourself pure talaga until you get married (e yun din sinabi ni Donita, d kaya nabasa na din ni Donita yung book???). Pati yung pagkikita nila uli after ilang years. Shucks, yun ba yung ibig sabihin na "kung kayo, kayo talaga"?

Watching that special came at the right time. Kasi medyo feeling lonely na naman ang drama ko ngayon. Tipong todo emote talaga ko nung narinig ko pa 'tong R&B song na ito (hindi ko nga lang alam sino kumanta at title):

I don't wanna be alone no more
I need someone to call my own
If there's someone who cares about me
Someone to fulfill my needs


Pero kung ganung love story naman ang mapapanood ko, ai sus, hindi baleng mabulok na ko kaaantay para sa kanya. Basta gusto ko ganon din sa case ni Donita na pareho kong Kristiyano.

Hirap kasi nito, ang laki kaya ng percentage ng mga taong Katoliko dito sa 'tin. Kumbaga, kung titingnan mo ang probability na makakilala ako ng taong swak sa paniniwala (at siyempre may dagdag na katangian pa kong hanap di ba?) ko, malamang asahan ko na rin na maging matandang dalaga na lang ako no?

Pero yun nga, nung napanood ko yung kay Donita, pakiramdam ko ba'y kinausap ako ni Lord sabay sabing: "Babae, bakit mo ba kinukuwestiyon ang plano ko para sa 'yo? Aba'y parang mas marunong ka pa sa akin a."

Kaya eto, sige wait na lang ako ever. Balik na naman ako kay Annie Lennox at ang kanyang walang katapusang pag-aantay.

0 comments: