Friday, September 5, 2003

1st of 2 parts


1998 nung una kaming magkakila-kilala.

Siya. Isa sa iilang tao na nakagaanan ko ng loob nung freshmen orientation namin. Kung paano kami nagsimulang mag-usap at maging magkaibigan ay hindi ko na gaano maalala. Basta't isa na siya sa maituturing kong close friends sa college noon pa man. Nung madiskubre namin ang popup, we would spend long hours in the computer lab in school. In fact, mas matagal pa nga ata yung time spent namin don kesa sa loob ng classroom mismo. We started cutting class not because we'd be at the mall (that came later) or do something really important. It was because we usually lost track of time and realize 30 minutes later that we have a class to attend. We'd go home at 7 or 8 in the evening even if all our classes are scheduled in the morning. Ewan ko, pero parang naging medium yun para lalo kaming maging close sa isa't isa hanggang sa mawala na ang interes namin doon.

Siya. Isa sa mangilan-ngilang tao na kinaasaran ko noong freshmen orientation. Paano ba naman, napaka-loud. Pakiramdam ko tuloy, papansin. Nakita ko pa isang beses na iniwan nya yung pinagkainan niya sa lamesa, kaya't naisip ko pa: "Aba, primadona". Kung bibilangin mo siguro yung panahon na nag-uusap kami sa room ay mabibilang mo nga talaga sa daliri. Pero dahil na rin sa blockmates kami, hindi maiiwasang makita ko rin ang sarili ko na kausap na ng madalas ang taong kinaasaran ko. Hindi ko na maalala kung ano ang nagbigay daan para tuluyang maalis ang pagkairita ko. Sa ngayon kasi, walang mag-aakala na inis ako sa kanya dati.

Limang taon na ang nakakaraan. Mula sa pagiging mere acquaintances, to blockmates, to friends... masasabi kong sila na yung dalawa sa mga taong ipinagpapasalamat ko na nakilala ko nung college.

0 comments: