Wednesday, October 29, 2003

wrong timing

may nakaschedule na project release sa monday. pero hanggang ngayon, hindi pa namin masabi na nagccode na talaga kami, ni hindi pa nga tapos ang design.

kahapon, nag-aya yung high school friend ko na sobrang tagal ko ng hindi nakaka-chikahan. hatid na nya daw ko pauwi dahil dito sya sa makati for a week, samahan ko na lang daw sya saglit sa Rob Place para magpagupit. syempre, as much as I wanted to come with him, hindi pwede.

kanina, nagtext yung isa pang high school friend ko, watch daw kami ng movie maya. gusto kong manood!!! pero gaya kahapon, hindi na naman pwede.

isa pang sms ang natanggap ko kanina ding umaga galing kay angela. may trick or treat parade daw sa village nila sa friday, hapon. diba nga't holiday supposedly that day? dahil na rin sa naghahabol (daw) kami, malamang hindi rin ako pwede non.

last week at last last week, sobrang luwag ng schedule ko, wala naman akong mahatak. tama bang ngayon sila magsi-aya??? wah!

0 comments: