Sino ba namang makapagsasabi na sa simpleng ginawa mo kagabi ay syang magiging dahilan para umiyak ka? Pero siguro nga tama yung sabi nilang curiosity killed the cat.
Sino rin bang makapagsasabi na hindi lang basta-bastang email ang matatanggap mo ngayon kundi isang email na ikasasama lang ng loob mo?
Wala naman kasing makapagsasabi kung pano umaandar ang utak ng isang lalaki. Wala ring makapagsasabi kung bakit may mga lalaking gago lang talaga. Hindi mo rin naman kasi inakala na mahuhulog ka ng lubos sa ganong klase ng lalaki. Kasi kung merong nakakaalam non, malamang, hindi ka nasasaktan ngayon.
Wala na kaming magagawa para matanggal yang sakit na nararamdaman mo. Ikaw na lang ang makapagsasabi kung kailan mo kayang sabihin sa amin na, "yes, I am over him" ng walang halong kaplastikan. Pansamantala, e dito lang kami, dadamayan ka habang isinusumpa mo ang lalaking yan.
Monday, November 24, 2003
Posted by
ji
at
6:54 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment