Tuesday, January 27, 2004

the reason why


akala nila mahina ako kumain at mahilig mag-diet. kaya raw payat ako.

hindi kaya.

ang takaw ko nga sa sweets e. bigyan mo ko ng cake, ng dewberry, ng crepe, ng pastillas, ng yema, ng polvoron (na gawa ng mama ko), ne leche flan, ng cookies, ng brownies, at ng chocolate, kahit yun na ang almusal, o pananghalian, o gabihan ko, ok na. isang upuan nga lang yun, kayang kaya kong ubusin. pati sa fries at cheeseburgers, o kaya sa subway sandwiches, d ko inuurungan yun. syempre matakaw din ako sa "real food", magiging mahilig ba kong kumain sa labas kung hindi?

ang kaso, mas marami pa ata akong pagkain na ayaw kesa sa gusto. ayoko ng pagkain ko ay may mani (masarap lang yung nuts pag solo mo syang kinakain) lalo na chocolates, ice cream, at cake. ayoko ng langka kaya ayoko rin ng pastillas na may langka at ng banana cue. ayoko ng kahit ano na ube ang flavor (maliban na lang sa halya). hindi rin ako kumakain ng melon at papaya. ayoko ng pakbet (sigarilyas lang ang kinakain ko dun) o ng menudo. ayoko ng sardinas at pork and beans. ayoko ng chorizo at asado na siopao. hindi rin ako kumakain ng siomai unless beef yun. hindi ko na ililista lahat ng ayoko dahil ma-oobvious na masyado ang obvious.

o sya, sige na nga. maarte ako, pihikan ako.

0 comments: