Friday, February 6, 2004

He has a funny way of telling me


i was texting people kagabi kasi medyo inatake na naman ako ng "kalungkutan", medyo gusto kong may kausap. texting meaning forwarding messages lang naman. ganon naman kasi ako e. umaasa na baka may sumagot at magtanong ng: "ui, musta?"

may sumagot naman. nagtanong ng "how are you". plastic kunwari, sagot ako ng: "im ok". sya, hindi sya ok lately. dahil sa masyadong matagal kung magttext-an lang kami, he decided to call na lang. eventually, i was there listening to him about how problematic he is lately.

nakakatuwa. ganon parating nangyayari e. dba minsan, may gusto ka ng i-share sa isang tao, magugulat ka na lang, pagkatapos nyong mag-usap, hindi mo rin na-i-share yung problem mo, kasi yun pala, may problema rin sya.

kung mukha mang nagrereklamo ako, on the contrary, hindi. natatawa nga ako e. kasi may sense of humor Siya. parang sinabi Niya kagabi sa akin na: "it's not always all about you, you know. " :)

0 comments: