excited pa man din akong umuwi kanina para gumawa ng puzzle, lalo na't sinabi ng siobe ko kagabi na malapit na sya matapos. pag dating ko ng bahay, laking gulat ko ng makita kong tapos na sya. pero d ako nagalit. galing ng kapatid ko. halos sya lahat gumawa nun e to think na weekends lang nitong buwan na 'to nya ginagawa yun at d pa buong araw. astig. sabagay, pati mama at papa ko gumawa din minsan. ako lang ang hindi masyado. puzzles aren't for me, na-realize ko tuloy yun.
cross stitch, paper tole, puzzle... ano na next gagawin namin????
nasa topic na rin lang ng pag-try ng bago, eto bago... parang trip ko ng vegetables lately. as in tipong pag magbabaon ako ng food ko for office, halos ubusin ko na ung naprepare na gulay. pag pork, beef, or chicken yung baon, d ko nauubos. k lang, mukhang natutuwa naman magulang ko. at least healthy food nga naman.
kakainis. ang dami kong gustong gawin at i-try pero pakiramdam ko wala kong oras para gawin lahat yun. one way or the other, malamang may mane-neglect ako. ah bahala na. one step at a time. magagawa ko din lahat yun. HAH!
dami ko ring gustong bilin. kaso sa 'twing anjan na yung eto-na-bibilin-ko-na na feeling, biglang: sandali, sayang e. masyadong mahal. sa sunod na lang pag nakuha ko na 'tong target kong 'to. kung iisipin mo naman, syempre pag na-achieve mo na yung target mo, d ka uli makokontento don. magse-set ka ng panibagong goal. nakngtokwa. never-ending process. pero sige na... uulit-ulitin ko na lang sa sarili ko: isa-isa na munang gamit ang i-acquire. everything in moderation. haha. labo.
ewan. sabog ng entry na 'to. kung saan-saan nag-jjump. parang nagpost lang ako para masabing may naipost. actually, hindi naman. gusto ko lang talaga mag post. yun nga lang tamad ako mag-organize na. dami dami kasing pwedeng isulat e. hirap din minsan ilimit sa iisang topic, dba? isa pa palang dahilan. BASA PA BUHOK KO!!!! ang tagal matuyo! oo, naligo ko e. kasi pag dating ko kanina, imbes na maligo after an hour or so, ayun, nag prente prente muna ko. pati nanood pa kami muna ng siobe ko ng Madeleine (korean uli). wala uling namatay dun, pero syempre umiyak na naman ako. sap lang talaga ako. exag na sap na minsan. hiniritan pa ko ng siobe ko ng: umiiyak ka na naman?!!!! sabay tawa. baliw na yun, d pa nasanay sa kin.
wala na talagang patutunguhan 'to. offline na nga lang ako't magbabasa. yeah, Nietzsche ang binabasa ko now. philosophical ang dating hahaha. na-inspire lang ako basahin dahil sa Eternal Sunshine of a Spotless Mind e. galing kay Nietzsche yung isang quote na ginamit dun e, yung blessed is the forgetful... iniwan ko sa office yung isang book na binabasa ko, The Dark Side of Catholicism. Haha. Kakatawa. Nakita ng officemate ko yun kagabi, sabi sa kin: sa yo to gnet? sabi ko bakit? tapos nakita nung project leader ko yung book, sabi sa kin, ano yan parang sa Da Vinci Code na tinitira yung catholic church? nabasa mo na ba yun? sabi ko: opo. tanong nya uli: nde ka ba catholic? haahah. natakot ata sa kin at sa pinagbababsa ko. HAHA.
inaantok na ko. kanina pa nga e. kaso, talagang ang tagal matuyo ng hair ko. sige sige, tatahimik na ko't magbabasa na lang.
Saturday, August 21, 2004
Posted by
ji
at
2:30 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Nagkanda-helohelo ako dun, ah. @_@
*raises hand* ooh! ooh! I have a suggestion! Try one of those 3d puzzles. Purdy... dali! dali! Then take pics! Okay? Yay!
Freaky ka, lagi na lang ganito...may coinkidink... o_0 while waiting for Ja nung Fri, yung Dark Side of Catholicism yung binabasa ko sa Pbuks. o_0 I was reading that chapter on Mary and the Immaculate Heart.
hilo ka? exag a.
puzzles are not for me. d ko trip. haha ill tell my siobe to try that na lang.. pero she wants to do a 4500 puzzle or 5000 muna ata e. i think i'll try mud clay muna. :)
haha.. kaw freaky noh! btw, pbooks has that book? my siobe's blockmate lent her that kasi e. ill see if ill like the book first before i get a copy din.
Yep, second shelf from the right on the religion/philo/self-help section, facing the kiddie books. ;)
Again it is I, kulit the forgetful. :\
oooo puzzles.. i like puzzles.. :) if she wants to start a 5000 pc puzzle i suggest she better start by finding a big area to work in.. iba ang fulfillment pagnakakatapos ng puzzle.. and its a great stress reliever too! :)
--shmuck
Post a Comment