Hay.... Ang sarap mag-buntong hiniga (tama ba yun?). Translation: It feels good to sigh.
Ano ba to? Nde na nga ko nakatulog kanina tapos ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bakit nga ba hindi ako makatulog kanina? Labo. Dahil nga nakasalampak na si Shiela at Joy sa kama ni Al kanina habang ako ay giliw na giliw pang nagbblog at pabasa-basa ng blg ng ibang tao, nainggit ako sa kanila at naisipan ng patayin ang computer at humiga na rin. Hayan. Isiniksik ko na nga sarili ko sa gitna nung dalawa. Kaso, makalipas ang trenta (30) minuto ng tossing and turning jan sa kama, hindi pa rin ako makatulog. Patay naman ang ilaw. Wala rin namang maingay. Nahihiya na nga ko kay Shiela dahil pakiramdam ko e nagigising sya sa bawat galaw ko. Tapos hindi ko na nga namalayan na nakatulog na din pala ako sa wakas -mga alas-kwatro na ng umaga nito. Kaso, ewan ko kung bakit nagising ako. Kinuha ko cellphone ko para tingnan ang oras. Ano? 5:12 pa lang?? Ha? Parang ang tagal ko ng nakatulog??!!! Kaya ayan, sige... pilit uling matulog. Napansin kong hinihila na nung 2 na katabi ko yung kanya-kanyang parte ng kumot nila (nag-share lang sila sa isang kumot) kaso ang problema talagang mahihirapan silang aysuin yun dahil ako na nasa gitna e dagan-dagan yun. Wawa naman yung dalawa.
Ok. Nakatulog na pala ako uli. Kaso, nagising na naman ako. As usual, kuha ng cellphone sabay tingin sa oras. Ah, may improvement. 6:23 na. Mejo matagal-tagal na pala ako nakatulog - yun nga lang, ng ilang minuto lang. Grrr... Dahil sa inis ko. Isinandal ko na lang yung isang unan sa head part ng kama at sumandal na lamang. Aba e kung hindi ako makatulog e di wag pilitin. Ayun nga lang, nahuli pala ako nitong si Shiela sa ganong pwesto. Ang nakakahiya lang e nakita nyang nasa-trance state ako (yung tipong nakatitig ako sa kawalan).
Yan. Naaalala ko, baon ko nga pala yung mini-walkman ko. Baba sa kama at kinuha ko sa bag ko. Siguro naman makakatulog na ko nito. Hay sus wala pa din. Ayan. Hanggang mag-aalas otso gising pa rin ako at naiinis na talaga sa sarili ko. Nakatulog na uli ako. Kaso narinig ko nag-ring cell ni Al kaya nagising na naman ako. Nagising na si Al. Balak ko na nga maligo nun e. Kaso si Al, bumalik pa uli sa higaan nya. E di ako, bumalik na lang uli. Naramdaman ko na after konting minuto lang e bumangon na uli sya para maligo na. Ah... nakatulog ako nung inaantay syang matapos. Pasarap na tulog ko sana e. Kaso ayan na naman, ginising na ko ni Al para sabihing: "It's 9 already". Hay..... Wala na.. talagang wala ng pag-asang makatulog ako.
Ayan. Ngayon, akala ko dahil nga hindi ako nakatulog kanina ay maaga ako makakatulog ngayon. Hindi pa din. Kaya eto... sa sobrang walang magawa (inaantay ko din kasing matapos itong pag-train ko sa neural network namin) e kinuwento ko na lang yung paghihirap ko kaninang umaga - ang resulta ay isang napaka-walang kabuluhang post. Kala pala tuloy ni Joy e nasisikipan ako sa pwesto ko kaya galaw ako ng galaw.
ANO BA?!!!! Gusto ko na matulog....
Friday, September 27, 2002
Posted by
ji
at
1:13 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment