Sunday, November 24, 2002

Pare! Kababasa ko lang uli nung 5-pages mong sulat sa akin. Hindi rin sya mahaba ha? At... may kasama pang tula. Kaw ba talaga nagsulat non? Hindi bagay sa 'yo maging poet. Pero sige na nga... salamat na rin.

Akalain mo. Ni hindi nga tayo nag-iimikan nung umpisa ng klase e. Pano nga ba kasi kita nakilala? Ahh... nga pala. Kabarkada mo pala tong (ngayon ay bestfriend ko na) si Brian. Tama! Bagay nga kayong magkaibigan dahil pareho kayong baliw. Magtataka pa ba ako kung tag-team kayo sa pang-aasar at pangungulit sa akin? Sa araw-araw na lang ata na ginawa ng Diyos, yun na lang ata ang ginagawa nyo sa kin tuwing break. Ok rin kayo sa paghahanap ng entertainment nyo. Siya, siya... aminin ko na nga... naaliw din naman akong makipagkulitan sa inyo! Bilib na nga rin ako sa sarili ko't natiis ko kayo... Kung hindi ka lang cute pare!

Pero huwag ka. Mukhang nag-mellow ka rin naman kahit papaano. Lately pag break, nagkkwentuhan na tayo. Laking gulat ko nga dahil capable ka pala ng serious conversation. May sense ka rin pala kausap kung gugustuhin mo. Tingnan mo nga naman o. Eto pa, mukhang nagiging close na tayo.

Maalala ko lang pare. Pasensya nung minsang nag-uusap tayo. Hindi ko naman kasi alam kung anong nakain mo at kung seryoso ka ba o hindi nung tanungin mo ako ng, "Paano kung ligawan kita?" Para kasing ha? Ano sinabi mo? Kaya ayan, tinawanan na lang kita. Ano nga ba dapat naging reaction ko? Dapat bang sineryoso ko yung tanong na yun at sumagot ako ng maayos? O dapat naki-ride na lang ako? Hindi ko rin naman kasi alam isasagot ko. Sa totoo lang, ok ka naman sa akin. Naconscious pa ko kasi ang lapit lang ng upuan nila Charmaine at Yutan non, asar talo na nga ako dahil tinutukso nila ako sa yo tapos narinig pa nila yun. Napahiya ka daw. Sorry kung ganon. At least balik na rin tayo sa dati pagkatapos ng dalawang linggong hindi natin pagpapansinan.

Minsan, parang nasasayangan din ako. Ok ka na e. You make me laugh, matalino ka, you share my interest sa pag-collect ng stamps, magaling mag-table tennis at mag- kickbox, at mas matanda sa kin ng dalawang taon. Ano kayang nangyari kung naging iba ang sagot ko?

Teka nga lang... Date pala nitong sulat: March 1996. Anak ng pating! Anim na taon na ba? Parang kahapon lang nangyari lahat ng iyon. Sabagay... eto nga palang sulat na ito ang pinaka-huli mong sulat noh?

Asan ka na kaya ngayon? Wala lang... namiss at naalala lang kita bigla.


0 comments: