OA na
1. Frontpage sa newspapers at tabloids ay iisa: awayang Kris at Joey.
2. Ilipat mo sa channel 2, si Kris iniinterview, nagsasalita, inirereklamo si Joey. Sa channel 7, si Joey iniinterview, nagsasalita, ipinagtatanggol ang sarili. Lipat ka sa ibang local channel para naman sa totoong balita, madidismaya ka lang dahil yun at yun din ang handog nila: awayang Kris at Joey pa rin.
3. Ginawang topic of debate sa Debate (pero oo, aaminin ko, pinanood ko ito!).
4. Telenovela ang dating (talo pa nga ata). Minsang sumakay ako ng bus, nanibago ako dahil napakatahimik ng mga pasahero nito, ayun naman pala at nagcconcentrate ang lahat sa panonood ng interview ni Korina kay Kris. Pag baba ko, isang kumpulan ang nadaanan ko. Aba naman, may TV pala doon at hindi pa tapos ang interview. Kahapon, habang nag-aantay ng sasakyan sabi ng katabi ko sa kasama nya: "Tanghali na nga ko e. Napuyat ako sa kakapanood".
5. Kung sinu-sino na ang nakikisawsaw. Syempre, malapit na nga ang eleksyon.
6. Entry ko related sa gulong Kris at Joey.
Malala na 'to.
0 comments:
Post a Comment