This has got to be the most stressful December ever.
Unang-una, yung mga clients namin, late na nagreview nung system na ginawa namin kaya late din ang comments and changes na gusto nila. Ang problema, gusto nilang magawa lahat ng gusto nila before matapos etong taon na ito. Teka lang ha, check ko lang schedule ko.
Dec. 10 - dito lang sinabi na kasama ako sa mag oorganize ng mini-Christmas party namin dito na sa 17 daw gaganapin.
Dec. 12 - dito lang sila nagmeeting at nag review ng system. Before nitong araw na ito, pa easy easy lang kami. Aba'y ang aaga namin magsi-uwian.
Dec. 15 - non pa lang sinabi sa 'min kung anu-ano ang ipapabago. Kaya ayan, ngarag ever ako. Attend ng nihonggo class mula 8:30 hanggang 10:30 ng umaga. Akyat sa office para mag trabaho hanggang lunch break. Kain saglit. Baba uli sa isang office para makipag meeting para sa Christmas party. Akyat uli para magtrabaho. Bago umuwi kelangan ko pang mag-ikot sa Glorietta para sa kris kringle namin the next day. Pag uwi, kelangan pang gumawa ng assignment bago gumawa ng chores dun.
Dec. 16 - ganon din gaya ng nakaraang araw. Sa 17 na kasi yung final na bigayan para sa kris kringle, sabay sa party.
Dec. 17 - attend ng nihonggo class mula 8:30 to 10:30. meet with fellow organizers saglit bago akyat sa office at mag trabaho hanggang lunch break. Kain saglit. Alis papuntang Landmark para mamili ng mga prizes for the games (oo, ganon kami kagahol sa oras kaya last minute na). Balik sa office para balutan ang napamili. At yun na, party proper na. Ok lang kahit pagod, masaya naman. Nag-enjoy daw sila. Yun naman yung maganda dun e, yung alam mong natuwa sila sa naihanda nyo. D na ko nakapag aral pag uwi dahil sa pagod.
Dec. 18 - ngayon yun. Nag half day na ako. Parang biglang bumagsak katawan ko e. Pero ayan, back to work muna. Ilang araw na lang matatapos na yung December e. Marami pa kaming kelangan gawin.
Dec. 19 - Mag-ttake ng nihonggo mock exam mula 8:30-10:30. Trabaho hanggang lunch break. 3pm, off na kami para raw makapag prepare sa Christmas party sa gabi. Puyatan na naman ito.
Dec. 20 - Sabado. Papasok ako. Mag-OOT. Ayoko pero kailangan, para hindi na ko pumasok ng linggo. Bago umuwi, kelangan ko pa mamili ng regalo para sa mama at papa ko (oo, sobrang late na!) Yung kapatid ko, nabilan ko nung isang linggo. Yung mga inaanak ko, ayun at ang papa ko na ang bumili para sa kin. Para sa 'king friends, naisingit kong bumili kanina.
Dec. 21 - Birthday ng mama ko. D pa rin pahinga.
Dec. 22 - Trabaho ever. Malamang overnight na 'to.
Dec. 23 - Trabaho pa din. Dapat matapos na namin by this time pa lang. Kaya lang naman kami parang ganitong nagpapakamatay e dahil ayaw na naming pumasok pag katapos ng araw na ito. Gusto namin sa January 5 na kami back to work.
Ngayon, nag-yayaya pa si Angela. Dinner daw for the holiday season. Anjan pa yung dinner naming magkakateam members para sa project na to. At yung gimik namin para sa boss namin. Saang araw ko pa kaya pwedeng isingit yun???? Malamang after Christmas na yun. Yung iba, baka pwedeng next year na. Anytime now, talagang bibigay na ko.
Pero ha, masaya ako.. kahit ganito ka-hectic. True blue massochist ata 'to.
Thursday, December 18, 2003
Posted by
ji
at
7:20 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment