Thursday, October 13, 2005

Work Related Rant

Eto na siguro yung pinaka-toxic na week since I started with this project (although it's still nothing compared to that cursed project last year).

Hindi mo na mapapansing gabing-gabi na dahil kahit alas-diyes o alas-onse na, mabibilang mo lang sa daliri ang mga taong nakauwi na. Minsan nga nagbibiruan na dito, pano raw kung for 100 days, dito lang kami at nagc-code (parang kasuka-suka na yun). Minsan may pabiro pang magtatanong ng bigla, "di pa ba morning meeting?" o kaya naman "anjan na kaya si aling febe (pinag-oorderan nila ng lunch) o si leo (na nagtitinda ng merienda)?"

Ok lang sa akin yung late umuwi basta't lunes hanggang huwebes lang, either para masigurado ko na by friday pwede na kong paeasy-easy at makauwi ng maaga o kaya naman para maka-catch up ako pag delayed na ko ng konti. As much as possible ayokong nagkakaroon ng delayed na status. Talagang nah-haunt ako nun. Pag gising ko sa umaga yun agad pumapasok sa isip ko. I know, dapat hindi na dinadala ang trabaho sa bahay pero... Hay.

Naiinis ako dahil bihira lang ako madelay pero talaga namang todo kulit sila kapag nadelay nga ako. Tapos ayan pa't umagang umaga, sesermonan kayo. Todo-todo pressure. Nadadala ko na ata tuloy inis ko pati sa bahay. Kagabi nga, talagang nag-snap ako ng pagbuksan ako ni papa na nakasimangot. Araw-araw na lang daw dis oras na ko umuwi. Isip-isip ko nun, para naman kasing gusto ko na late umuwi, buti sana kung galing ako sa gimik. Pero naiintindihan ko din naman sya syempre, aside from the fact na pinupuyat ko sya sa pag-aantay sa kin, gabi-gabi ko na lang siya pinag-aalala.

Siguro hindi lang kasi yung pressure galing sa kanila yung nararamdaman ko. Pine-pressure ko din kasi ata masyado sarili ko.

Hay...

5 comments:

Anonymous said...

*ala stresstabs commercial*

Ang stress... nakakatanda. *nods* LOL

*hands cookie*

-o- kulit -o-

ji said...

LOL thanks for the cookie...

Anonymous said...

oh oh oh! speaking of cookies...

Those you gave me at the game? I forgot about it 'til the next day, and by the time I got to taking it out of my bag, it was already all crumbled up. LOL I ate it with a teaspoon. Hehee... ^^;

-o- kulit -o-

ji said...

LOL buti may crumbs ka pang nakain :p

Anonymous said...

*lol* ako i ate my cookie the next day haha kahit masakit lalamunan ko
sings: "i want cookie! cookie! cookie! cookie!"

-->carrots