Nakakabato sigurong maging security guard. Wala kang ibang ginagawa kung hindi ang pagbuksan ng pintuan ang bawat taong papasok sa kung ano man ang binabantayan mo. Medyo nadagdagan na nga lang ngayon kasi nag-checheck na sila ng bag at kargada ng mga tao, baka may bomba kasi yung dala-dalahin natin. Hehehe..
Pero seryosong usapan. Minsan kakaawa din sila. Gaya na lang yung guard na pinagmamasdan namin ng kapatid ko dun sa may Benavidez branch ng McDo. Pag katapos kasi naming magsimba ng kapatid ko, kung hindi sa Wai Ying, sa Jollibee, sa Ha Yuan, o sa Country Chicken kami dederestso para mag-take out ng breakfast, sa McDo ang destinasyon namin. Habang inaantay ang order, yung mga taong labas-pasok sa McDo na lang ang pinagdidiskitahan namin. Mapapansin mong sa bawat Good Morning at Thank You ng guard don, walang sumasagot sa kaniya, kahit man lang pabulong. Siguro meron din naman, maaring yung iba ay tumatango na lang, bilang sign ng acknowledgment, pero marami ay parang walang naririnig.
Hindi naman mahirap mag-good morining din at mag-thank you diba? Ilang segundo lang naman ng oras yung maaksaya nun.
Sunday, December 8, 2002
Posted by
ji
at
2:53 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment